friend: naiisip ko pa din si XXXX, ang gwapo nia kase
me: hahaha
friend: pero kay AAAAA na ko
friend: hahahaha
me: good for you
friend: xa yun tsinelas na pambahay ko
me: laging babalikan
friend: si XXXX stilleto
friend: tama ba spell
friend: maganda pero masakit sa paa
me: winner lang na analogy
friend: nyahaha
friend: ikaw anung sapatos si CCCCCC
me: wait ka jan
me: nag iisip ako
friend: hahaha
me: hmmm
me: Chucks sya
Chucks. Bagay sa choice of clothings ko na kadalasan ay tshit at maong pants or shorts. Bagay sa trip ko. Snickers na okay lang maging dugyot. Mas dugyot, mas okay. Masaya ako kapag suot ko. It’s everything that I want in a shoe. Stylish without trying too hard. Bagay sa jeans, simple, pwede sa kahit anong season. Kahit winter kaya nya. Pero kahit gaano ko man katrip ang sapatos na to, kahit gaano sya kabagay sa kin at the end of the the day, kelangan ko pa rin syang hubarin, dahil pagkatapos ng maghapong paglalakad saka mo lang mararamdaman na masakit din pala sya sa paa, nakakapaltos, nakakasugat.
