Thursday, January 15, 2009

Three-Month Rule

Nitong Christmas break, napanood ko ng maraming beses ung One More Chance kasi paulit ulit sya sa Cinema One. Marami talagang panalong lines dun. Haha. Malapit na nga akong bumili ng DVD para makabisado ko na. Walang wala lang.


From One More Chance:
Popoy: Bash, hindi mo ba alam yung three-month rule? Lahat ng taong nainlove at nakipagbreak ay alam yun. Bash, maghihintay ka muna. Tatlong buwan. Diba tatlong buwan bago ka makipagboyfriend ulit, hindi mo alam yun!?
Bash, may dalawang linggo pa ko eh. Dalawang linggo pa! Bat ba katingkati kang palitan ako?
Lahat naman ginawa ko na ah. Lahat na ginawa ko. Ano pang gusto mong gawin ko? Putang ina naman bash! Ganyan ka ba katigas? Parang awa mo na sumagot ka naman! Ano sumagot ka! Sumagot ka!
(Popoy breaks down and cries)
Bash, mahal na mahal kita at ang sakit sakit na..


Naisip ko, nung pinanood ko yun dati, bakit ba kelangan pa ng 3 months? Siguro, kasi, sa loob ng three months na un, masyado ka pang vulnerable. Masyado pang overwhelmed with emotion. Kapag ganon kasi mahirap mag-isip ng maayos at prone kang magdecide ng pabigla-bigla. Kung baga, hindi ka pa stable. Pwede ngayon, eto yung nararamdaman mo, the next day iba na.

Sabi naman ni Karen, "kelangan yung three months for adjustment.. hindi lang nung 2 taong involved, pati na rin yung mga taong nakapaligid sa kanila (friends, family, etc.)... parang ang hirap nmn yata na wala pang 3 buwan eh may bago na kaagad. di ba? bago, in the sense na bagong pakikitunguhan nung friends, etc...
saka siguro, in three months, may chance pa rin na maayos yung relationship..."

Sabi ko, eh paano naman kung third party ung dahilan?

Sagot nya, "syempre hindi na! meron na eh.. siguro applicable lang yun sa mga astronaut. ahahha.
siguro 3 months bago nyo ipagkalandakan sa buong mundo na kayo? hehe "

Pero siguro, kahit ikaw yung ipinagpalit sa iba, kelangan mo pa rin ng 3 months kahit pa sabihing unfair kasi yung isa, nanakit na nga, sya pa ung masaya. Siguro kelangan mo yun kasi syempre, mahal mo pa yung tao kahit pa ipinagpalit ka. Kelangan mo yung time na yun para pakawalan sya ng tuluyan. Para mapalaya mo na rin ung sarili mo. Para makapaghanda ka sa susunod na taong darating sa buhay mo. This time, you're better and you'll be wiser.
Naks naman... Haha...

Siguro, sa mga namboys o nambabae naman, dapat maging fair sila sa tao, magdecide sila once and for all kung sino ba talaga. Kung ayaw na talaga nila, huwag na muna nilang kulitin, icontact, o paasahin pa yung tao. Maawa naman siguro sila kasi nasaktan na nga nila yung tao, dadagdagan pa yung hirap na pinagdaraanan. Napoprolong kasi ung agony. Nadedelay yung pagmove on. Pinili mo na yung isa eh, panindigan mo di ba? Hindi pwedeng pareho.

Sa mga I need space naman ang drama, siguro, hayaan rin nila muna yung tao na magheal, kasi syempre nung iniwan mo sya, inisip nun "huh? you're choosing nothing over me?" eh di syempre nawindang un. Ikaw yung nanghingi ng space di ba? So siguro, hindi mo sya ibobother kung kelangan mo talaga ng space. Hindi siguro maganda na magparamdam ka sa kanya in any form kasi mahihirapan lalo magmove on yung tao. Magdecide ka kung ano ba talaga ang gusto mo, if you want the person in or out of your life para maging fair ka naman dun sa tao, para kung baga magkaroon sya ng continuous na healing process. Kung kelangan mo naman yung space na yun para magdecide kung gusto mo pa ba sya sa buhay mo, well, advisable siguro na syempre, wag mo rin ibother yung taong iniwan mo para sa space na hiningi mo. Siguro, guluhin mo na lang yung tao, if you want that person back in your life after ng space na nakuha mo, that is, syempre given na yung tao eh free pa rin. haha.

Siguro nga, kahit ano man yung dahilan ng paghihiwalay, lalo na sa mga nasaktan, kelangan mo yung 3 month rule para sa sarili mo. Para magkaroon ka ng time na hilumin ang sugat. Hindi naman talaga siguro 3 months. Gaano katagal? Depende siguro yun sa tao, sa tagal ng relasyon, at sa iba pang bagay. Ikaw mismo siguro sa sarili mo ang pinakang nakakaalam kung gaano nga ba katagal ang kelangan mo.