Saturday, March 6, 2010

Rico Yan

Isang hapon sa kapehan na may wifi...

Friend: Alam mo eklavu chuvaness...
Chorba daw talaga!
Tapos , eto pa, ....

Me: Weh? Talaga???? Sino naman nagsabi nyan?

.......
.......
.......

Friend: Paano mo ginawa yun?
Me: Ang alin?
Friend: Yan. Ang galing mo.
Me: Di ako cancer survivor! Bakla, maling tsismis nasagap mo.
Friend: Loka-loka! Di nga, paano ka nakasurvive sa kakaiyak mo dati.
Me: At bakit mo naman naisip yan itanong? Depressed ka? Haha. Wag ka ng papakwento. Nakwento ko na sayo dati eh. Kakaumay din noh.
Friend: Hindi ako papakwento, pangarap ko lang maging si Krissy! bwahaha. So ano na? Parang ang bilis mo kasi eh.
Me: Ewan ko. Di ko rin alam. Tulad rin ng ibang tao. Nagdaan ako sa normal na process. Umiyak ng marami. Nangayayat. Napuyat. Nag Baguio. Umiyak ulit. Nagshopping. Nalungkot. Nag-anawangin. Medyo nadepress. Nagising isang araw ayos na.
Friend: Nakalimutan mo na sya?
Me: Syempre hindi. Alam ko pa rin ang buong pangalan nya.Haha. 1st love. 1st boyfriend. 1st heartbreak. Paano ko naman kaya makakalimutan yun? Good luck! Adik ka rin noh? Eh kung yung 1st dog ko nga naaalala ko pa eh. Si snoopy. Namatay nung 1991 kasi nakakain ng abo galing sa pinatubo. Sabi ko naman sa'yo tigilan mo na paghithit ng katol. May side effect sa utak yan eh. hahaha.
Friend: Sira! So naiisip mo pa sya?
Me: oo naman. Pero not exactly na yung tao. More on yung mga nangyari sa buhay ko siguro. Tinanggap ko na yun. Na sasagi talaga yun sa isip ko. Part yun ng buhay ko eh. May impact na matindi. Parang math 28 ko lang yan, it gave me a hard time, pero kahit nahirapan ako, napasa ko dahil nagtyaga ako. Kaya ayun, di ko makalimutan yung experience.
Friend: Gaano kadalas?
Me: Wow! Parang gaano kadalas ang minsan? Ate Vi ikaw ba yan? hahaha! hmmm... Hindi ko sure eh. Madalang din kasi talaga. Sa totoo lang hindi ko na mapicture sa ulo ko yung itsura naming 2. Kelangan ko talagang mag-isip ng specific na event na magkasama kami para magkaroon ng vivid na image sa utak ko.
Friend: Masakit pa?
Me: Hindi na batang bibo. dami mong tanong.
Friend: Curious lang naman. Ganon talaga kapag matalino. Kelan mo naramdaman na hindi na?
Me: Di ko nga alam. Kulit nito. Basta biglang wala na. Ok na ko.
Friend: Paano mo nalaman na wala na?
Me: Dahil kapag pumapasok sya sa isip ko, wala na. Hindi na masakit. Memories na lang talaga. Kaya ko ng tingnan yung mga pictures, dating regalo, mga memories ng hindi ako naiiyak. Wala ng feelings. Wait, saan ko nga ba naitago yung mga yun? Sa apartment yata. Tagal na rin pala ano? Grabe, ganon pala yun. Nakakalimutan din talaga yung pakiramdam. Nawawala.
Friend: Di ba binalikan ka nya dati?
Me: Sort of.
Friend: Bakit di mo binalikan? Di mo na mahal?
Me: Hahaha. Mahal ko pa syempre. Ilang buwan lang ba nun. Mahal ko pa. Mahal na mahal.
Friend: Eh bakit nga?
Me: Kasi, minahal ko naman ang sarili ko. Hindi puro sya. Yak! Kadiri. Drama. Haha!
Friend: Meh ganon? Pero infairness, di ko kaya yun. Kung ako yun, kami na ulit. hehe.
Me: Something happened kasi na nagcause ng mga realizations. Sana man lang kasi, binaba nya ng kahit konti lang yung ego nya para suyuin man lang ako. Kahit konti lang sana. At sinabi nya, "Gusto kong sabihin na ako na lang, ako na lang ulit." hahaha.
Friend: Basha???
Me: Poy? Haha. Pero hindi kasi. Gusto nya mabilisan. Inilagay nya ko sa unfair at awkward na sitwasyon. Ini accuse nya ako ng hindi naman nya sigurado. Dinaan nya kasi ako sa fallacy. Sabi nga ng philo teacher ko, that's appeal to emotion! haha. Di ba, if you really want something, you work hard to get it. What more pa if you love someone di ba? Konting lapit nga lang sa kin yung hinihingi ko eh. Sabihin nya lang nun na binabalikan nya ko, at subukan namin iwork out. Alam mo kasi, I worked hard para sa relationship namin. Nagsacrifice. Yun nga lang, medyo nakalimutan ko na yung mga gusto ko. Kahit nung magbreak kami, initry ko lahat ng kaya ko para maayos pa. Pero hindi nya siguro nakita, o baka sobra na, o ayaw na nya talaga. So nag let go na ko. Nagawa ko na lahat eh. Pero sya kasi, halos wala pa syang nasusubukan, sumuko na sya.

Friend: Wow! Winner ang lines! Pang John Lloyd-Bea ah. Gusto mo text ko na si Direk Cathy? Haha.
Me: Syet ka. Tatanong tanong ka dyan.Sakalin kita eh.
Friend: Seryoso. Wagi talaga. Tindi mo neng!
Me: Hindi naman. Akala mo lang yan. Deep inside this armor, the warrior is a child. hahaha.
Friend: Leche ka. Rico Yan. RIP.

======
Gulo ng usapan namin noh... Kaya nga kami magkaibigan eh. Puro tangahan. Haha.