Thursday, December 23, 2010

Old Movies

I've been trying to watch the movies in my 100 movies to see before you die list( a list I found somewhere in the world wide web). I've started watching the very old ones first (because I've watched most of the modern ones). Here are some of the movies I've seen that were older than I am:
The Graduate (1967)
The Godfather (I, II, III)
Gone With The Wind (1939)
Breakfast at Tiffany's(1961)
An Affair to Remember (1957)

I won't forget Gone With The Wind because it took 3 hours and 44 minutes of my time. Hahaha. I really liked the line that Rhett said before the movie ended, "Frankly my dear, I don't give a damn." Wahahaha! Angas!

Thursday, December 16, 2010

Kampanerang Kuba/ Rosalka

I won the Lakambini of our tower's Christmas Party. Not because I went there pretty and all. hahaha. Sabi nga ni V!ce G@nda, may fun factor kasi. Bwahaha. When most of the people who opted to participate in the costume thing wore a baro't saya, Maria Clara, etc. (because the theme is Paskong Pinoy), I went there as Kampanerang Kuba! Bwahaha! I made a fool of myself but it was so hilarious it's worth the embarrassment. And hey, I'm the fun loving, cheerful, adventurous and funny (according to some) type of person. Sometimes, it isn't bad to loosen up a bit. Life is too short. :) So let's be happy and do all that we can when we still can. :)

Tuesday, December 14, 2010

Flaunter


Yehey! Bagong external hdd!

Monday, December 13, 2010

Jersey


Bigla kong namiss ang magbasketball.

The Pirata Pose

Actually naghahanap ng dolphin! haha.

peyborit na larawan

Bohol Trip: Huling Gala para sa 2010(?)

Yehey! Ang sarap magbakasyon. Parang walang problema. :)


Thursday, December 9, 2010

Ang Planner ng Walang Plano sa Buhay!

Yehey! After 24 stamps, nakuha ko na ang aking Coffee Bean and Tea Leaf Planner. :)

Wednesday, December 1, 2010

Call Center Ka Ba?

Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses akong tinanong ng ganyan. Sabi ng isa kong kaibigan, nakakaoffend raw. Sa akin naman, hindi ako naooffend. Wala namang masama sa pagiging call center agent. Sa palagay ko nga mahihirapan ako kung sa call center ako eh. Hindi ko kayang nasusungitan (kahit masungit ako). Minsan, sumakay ako ng taxi mula sa N3C office namin papunta ng Hogwarts. Yung McKinley Hill kasi, maraming call centers eh. Tinanong ako ni manong taxi driver, "Call Center ka?". "Hindi po.", ang sagot ko. "Ay, sorry. Anong trabaho mo?", tanong nya(medyo chumichika minute si manong). "Software engineer po, uhm, dev.", sagot ko naman. "Naku, matalino ka pala." Naisip ko, bakit? bobo po ba kapag call center?. Marami namang matatalino dun, kaya lang mas malaki talaga ang kita kaysa sa ibang trabaho kaya mas pinipili na lang ng ilan na kahit hindi nila nagamit ang napag-aralan sa loob ng apat na taon sa kursong kanilang tinapos. Kung may downside sa pagkakaroon ng call center sa Pilipinas, siguro yun yung mga nasasayang na skills nung mga magagaling sana sa field na napili nila. Kumbaga, sabi nga ni J@y Ann, nagkakaroon ng mentality na, "Kahit hindi ako makahanap ng related sa course ko, may call center naman.". Maswerte nga rin siguro ako. Yung napili kong kurso, hindi magpapahuli kung sweldo ang usapan. Yun nga lang, sa trabaho ko, nagkakabiceps at abs yung braincells ko. haha.
Maya-maya pa, nagtanong ulit si manong, "Anong ginagawa nung trabaho mo?", tanong nya ulit. (Naisip ko, sana nag yes na lang pala ako sa call center question o di kaya isasagot ko na lang yung parating sagot ko sa mga nagtatanong sa kin, tagarefill po ako ng ink sa Hogwarts.) "Nagdedevelop po kami ng software na ginagamit ng mga companies.", ang matinong sagot ko. "Wow! Siguro matalino ka talaga! Saan ka ba nag-aral?". (Interview to manong? Baka gusto nyo na rin itanong ang strength and weakness ko at saka how do I see myself five years from now.). "Sa UP Los BaƱos po.". "Matalino ka nga talaga. Ilang taon ka na? Mag-aasawa ka na ba?" (Manong, gumagawa ba kayo ng autobiography ko.). "24 po. Hindi pa po. Ayoko pa.", maiksing sagot ko. "You know Ma'am, that's right. Dapat wag kaagad mag-aasawa. Mahirap ang buhay. Pero remember too that at the end of it all, dapat masaya ka." (What da?! Radio show ba to manong? O Wow Mali type? Asan ang camera?). Ngumiti na lang ako. Tumingin sa labas. Sa isip ko, kung mag-aasawa na ko, gusto ko handa ako, handa kami. Hindi lang sa pinansyal, pati na rin sa lahat ng aspeto. Ayokong mangyari yung kung kelan nagkaanak na, parang naghahabol pa ng pagkadalaga. Parang ang saya kasi nung inaanticipate na lang namin eh yung paglabas ng bata. Handa na kami sa responsibilidad. Mapupuyat kami. Mapapagod. Pero okay lang. Gusto ko rin, kung manganak ako, kaya namin, normal delivery man o cs. Kumbaga, hindi issue ang pera. Ayokong humingi kami sa magulang namin. Tapos na sila sa responsibilidad sa amin. Pati ba naman hanggang sa apo. Nakakahiya naman sa kanila.
Minsan, siguro, OA lang talaga ako. Sabi nga ng ate ko, kung magworry ako, akala mo naman wala akong kinabukasan. Samantalang yung iba dyan, high school pa lang, napapasubo na sa hirap ng buhay, hindi man lang sila nag-aalala. Yung iba, nabubuntis ng wala sa panahon. Siguro, masyado ko lang dinibdib yung pangaral ng nanay ko na mahirap ang buhay. Marami kasi kaming hirap na dinanas sa buhay. Gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang magiging pamilya ko. Ayaw ko ring masayang ang paghihirap ng magulang ko para mapatapusan ako. Nakita ko ang paggapagang na ginawa nila mapatapusan lang lahat kaming magkakapatid ng pag-aaral. Hinahangaan ko sila. At sobrang minamahal. Yun rin siguro ang dahil kung bakit kaming magkakapatid, ang goal namin eh ma-"pamper" sila. Hindi ko kailanman mababayaran ang utang na loob na yun, pero yung mabigay ko lang sa kanila yung kaginhawan na kaya kong ibigay, masaya na ko.
"Ma'am, diretso lang?", tanong ni manong. "U-turn po tayo sa kanan." Dyan lang po ako sa tapat.