Saturday, July 24, 2010

Would You

"There's so much going on." Yan ang gusto kong sabihin sa sarili ko, tulad ng mga judges sa Project Runway. Napakarami ng gusto kong sabihin pero hindi ko alam kung bakit parang wala akong masabi.
Bagong trabaho. Bagong buhay. Para kong belt, adjust ng adjust. Bagong mga taong kasama. Bagong sistema. Bagong oras ng pasok. Bagong teknolohiya. Bagong lugar. Pagbabago. Tatlong taon din ako sa dati kong trabaho. Hindi ko maikakailang naging bahagi na ng pang-araw araw kong buhay ang mga tao dun. Oo. Namimiss ko sila. Pero ganon talaga, eventually, lahat naman tayo magmomove on. Basta ang sigurado ko lang, hindi ko sila makakalimutan.

Baliw ako. Pero sabi nga, "Don't state the obvious." Mahilig akong gumawa ng mga bagay na random. Sumubok ng mga bagong bagay, bagong pagkain at kung ano ano pa. Malakas ang loob kumbaga. Nung nagpunta nga kami sa Davao, dahil di pa ko nakakapagzipline, nanguna talaga ko. Nung gumimik kami sa W. Grill, pabida ako at sumakay sa mechanical bull. Natatakot ako pero gagawin ko pa rin. Alam ko pwede akong masaktan pero sige lang. Ganon siguro talaga ang pagkatao ko. Basta masaya, basta exciting, di bale ng masaktan. Gumagaling naman ung mga sugat eh. Over time. Kung mamalasin nga lang, may peklat. Pero ung peklat na yun ang magpapaalala sayo na minsan ginawa mo yun. Siguro nga masyado ko lang dinibdib ang live life to the fullest. hehe.


Sound trip....
[Chorus]
Would you ask me to go if I want to stay?
Be rude to me would you be?
Would you ask me to stop when I still wanna play?
No fun for me would you be?

Like those candles tonight
Could we play the music along ’till we can hear
How sweet our light is
I’ve come too far just to be with you
I’m not for you
You might say
But I would be with you one day