Sunday, November 21, 2010

Ang Pinakamahabang Lunchbreak by De@n

Nakasanayan na sa amin ang kumain nang magkakasama. Pagkapatay ni manong guard ng ilaw sa hapon, tatayo, uunat ng konti, at magtatanong kung sa opisina kakain o sa labas. Relax lang. Hindi palaisipan. Ganoon madalas sa amin. Ang biglaan ang natutuloy; ang hirit, nagkakatotoo. Kaya din siguro masaya ang lunchbreak namin sa NEC. Lahat napag-uusapan. Lahat posible. Lasingang Friday sa Thursday? Sige lang! Isang bulubundukin ng french fries? Order-in na natin! Kasalan sa Davao? Tara!
Sanay na din ako sa ganun. Madali um-oo sa mga bagay na malayo pa.
Ayaw ko pala, naisip ko, noong gabing nagiimpake na ko. Sa huling gabing maaari pang tumanggi sa 4 na araw sa dulo ng Pilipinas, wala pang disenteng tulog, at may baon pang trabaho, nagimpake ako at nagtaka kung bakit ako nag-laan ng pera, nag-paalam ng leave, at nangarap ng makatakas sa buhay Maynila pansamantala. Siguro dahil um-oo ako at kelangan panindigan—at syempre, sayang ang ticket.
4 na araw din yun. Nag-whitewater-rafting, nag-lasing, nagtiwala sa tibay ng tali ng zipline, nainitan, nagpaka-sasa sa prutas, nalunod, nagpatugtog ng Lady Gaga sa dagat, nag-cartwheel sa bundok, umakyat ng puno, natakot, nangitim, sumayaw, nagpapicture sa kasal, nag-lagay ng garter, nabusog, nag-lasing uli, at oo nga pala, nagkuwentuhan din kami.
Nagkuwentuhan kami, ng mga kuwentong patanong, ng mga tanong na nagiging kuwento. Tungkol sa buhay, tungkol sa trabaho, tungkol sa isa’t-isa, tungkol sa mga tulog, tungkol sa mga naiwan, tungkol sa mang-iiwan, tungkol sa iiwanan. Parang lunchbreak lang uli, naiba lang ng lokasyon, ng oras, ng nakalatag sa hapag-kainan. Pero gayun pa man, hindi pa din nagbago ang usapan: masarap, casual, walang pag-iimbot at hindi nalalayo sa katotohanan—nang madalas.
Marami sa mga bagay na napagusapan sa hapag-kainan na iyon ay hindi ko na gaanong maalala. Ang naalala ko na lamang, ay ang ugong ng electric fan, ang tahimik na tulog ni kuya sa labas, ang bungisngis na pahabol sa bawat shot, ang ngiti ng puyat pero masaya, at ang tinig ng kuwentuhang nagtatapos lamang sa pagod.
Naalala ko din na nangarap akong sana’y hindi na matapos ang masasayang gabi, hapon at umagang iyon. O, kahit magkaroon ng pagkakataon maulit muli lahat ng ito. Sa pagkakaibigan namin, sa tatlong taong nagsama at sa 4 na araw nabuhay sa Davao, parang posible pa rin naman. Lahat naman napag-uusapan. Lahat din natutupad.
——————————————————————————————————————
huhu! muntik na kong maiyak. I heart and miss my NEC batchmates.

Thursday, November 18, 2010

The Last Coffee House Standing

Yehey! I've tried Figaro's coffee last Wednesday! :) It was good. UCC is the last coffee house left on my list. The question is, to try or not to try? :p

You'll be surprised.

Tuesday, November 16, 2010

Tuesday is Fun Day


Location: Somewhere in Diliman. :D
First Activity: SPA -> Sauna + massage = heaven. :)
Location: Ayala Technohub
Second Activity: Dinner at Mr. Kebab (Beef Kebab Special + Something platter + Yoghurt Shake) = Tulala sa sobrang kabusugan.
Third Activity: Timezone!
Fourth Activity: Kumain sa gitna ng technohub. (dahil napalit namin to mountain dew, boogeyman, roller coaster at pretzel ang napanalunan namin na ticket. :) )
Fifth Activity: Picture taking. :p
Last: Halo-halo at Razon's

Whew! This is the life. :)

Monday, November 15, 2010

Invitations Part 2

Tatlo pa! Adik lang. Haha. Pero so far, yung black pa rin yung favorite ko. Pero syempre, bahala pa rin ang mommy na magdecide. :)


Invitation


Binyag ng magiging inaanak ko na Si Avielle kaya lang di ako makakapunta dahil nasa Bohol ako nun. Sorry Gi. :( Dahil sa request na rin ng aking friend, ginawan ko sya ng invitations. So far 4 pa lang nagagawa ko. Gusto ko sana marami para may choices ang kumare ko. Hihi.




Thursday, November 11, 2010

C is for Coffee

Nag-google ako ng list of Famous Coffee Shops sa Philippines at eto ang lumabas:
(Siguro eto yung maraming branches o makikita mo sa maraming lugar)

1. Starbucks
2. Coffee Bean and Tea Leaf
3. Seattle's Best
4. Bo's
5. Figaro
6. Gloria Jeans
7. UCC
8. Mc Cafe

Whoah! naka 6 out of 8 ako! :)
Di ko pa natry ang Figaro pero I'm planning to try their coffee one of these days since meron sa Piazza. :) Sa UCC, medyo masakit sa bulsa eh. Pag-iisipan ko pa kung icha-charge it to experience ko.

At Your Service! Yes!

Ilang SM na ang napuntahan mo?

16!

SM Cubao
SM Makati
SM Bicutan
SM Manila
SM North Edsa
SM Southmall
SM Sta. Mesa
Sucat
MOA
SM Las Pinas
SM Megamall
SM Pasig
SM Batangas
SM Davao
SM Lucena
SM Baguio

17 na! added SM San Lazaro. :)

Wednesday, November 10, 2010

Baha. Trapik. Pag-asa?

Pagkakataon nga naman, kung kailan lumabas ka ng bahay para pumasok sa trabaho, saka naman bubuhos ang malakas na ulan. Dalawa't kalahating oras, ganon ako katagal nagbyahe para marating ang McKinley Hill na wala pa yatang sampung kilometro mula sa aming apartment. Bakit? Matrapik. Mataas na baha. Masikip at sirang kalsada. Ganyan ang nadaanan ko. Tadhana nga naman, sumakto pa na masama ang loob ko sa napakataas ng buwis na binayad ko ngayong buwan. Para akong nagpasweldo ng isang public teacher sa aming probinsya. Paniguradong hindi lang ako ang may ganitong iniisip, "Saan ba napupunta ang buwis na binabayad ko?". Inaamin ko, nagpapasalamat ako sa buwis ng mamamayan dahil galing din ako sa isang State University, at kung iisipin, tama lang na magbayad ako ng buwis, bilang pagtanaw na rin ng utang na loob at pagbibigay din ng pagkakataon sa mga kabataan na makapag-aral sa mas mababang halaga tulad ng pagkakataong ibinigay sa akin noong punong-puno pa ng ideyalismo ang aking isipan. Sa totoo lang, hindi naman ako nagagalit dahil malaki ang buwis na aking binabayaran, ang gusto ko lang naman, magamit sila ng tama. Maramdaman ng mga mamamayan na ginagamit ng tama ang buwis na ibinabayad nya. Minsan, parang nawawalan na ko ng pag-asang may pagbabago pang magaganap, na magbabago ang sistema ng Lipunan. Sabi nila,"Ako ang simula ng pagbabago." Ngunit nais ko ring itanong, kaya ko nga bang simulan ang pagbabago? Hindi pa ba huli ang lahat? Hindi ko alam kung paano ito isasalin sa salitang Filipino, pero ito ang tanong na tumatakbo sa isip ko,"Can one person really make a difference?"

Tuesday, November 9, 2010

I want!



huhu! Ang hirap lang kasi pumunta sa Megamall Forever21. Ang sikip pa. T_T
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=153362134709297&set=a.153360598042784.30400.117702421608602

Ang Paghihiganti ni Witholding Tax

Dahil sa paglipat ko ng trabaho, syempre, medyo naguluhan si witholding tax at ngayon nga ay naghihiganti na sya. Wala akong magawa kundi tanggapin na lang na lang ang napakalaking tax(30% higher sa normal na tax ko dapat assuming na Jan-Dec 2010 eh dito ako nagtatrabaho sa Hogwarts). Para kong pinasweldo ang ate ko! Huhu! Oh well, sana magamit naman sa tama ng gobyerno ang binabayad na tax ng mamamayan. Ang sakit eh.

Wednesday, November 3, 2010

Thank you R@iner!

Panda is Heart



Wala pa jan ang panda necklace (na nawala ko nga pala. :( huhu) at ang paper clips, at yung binigay ni m@c michael na cute na tin box na may chocolate na galing sa Aus! :D