Saturday, February 26, 2011

Halo-halo. Labu-labo. Nakakahilo.

Biyernes ng umaga, nagising ako sa tunog ng alarm ng aking cellphone. 7:00 am. Ayoko pang bumangon. Hindi na ako sanay gumising ng maaga. Simula ng lumipat ako sa Hogwarts, nasanay na ang katawan ko na gumising ng alas diyes ng umaga. Siyempre, 3pm-12mn kasi ang pasok ko. At isa pa, tila masakit pa rin ang katawan ko dahil sa pagtakbo ko ng sampung kilometro sa treadmill sa gym. Inabot rin yun ng isang oras, dalawampu't dalawang minuto at labing-anim na segundo. Pero kelangan ko ng gumising para makauwi ako ng maaga sa probinsya. Dali-dali kong hinanda ang aking mga gamit at sarili. Makalipas ang tatlumpung minuto, handa na ako. Nagpaalam sa aking mga kasama sa bahay. Uuwi na ako. Sa Quezon na lang ako magwo-"work from home". Minabuti kong Biyernes na umuwi kesa nung Huwebes sapagkat marami akong kelangan tapusin sa trabaho. Kelangan ko ng maayos na internet connection.
Sumakay ako ng jeep papuntang Buendia. Maya-maya pa'y may sumakay na manong. May hawak syang envelope. Ibinigay nya ito sa amin. Nakasulat dun na nanghihingi sya ng tulong na makaipon ng pamasahe pabalik ng Mindanao. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya. Napakarami na kasi ng manloloko sa Maynila. Umupo sya sa tabi ng isang babae na sa palagay ko ay sa isang ospital nagtatrabaho. Umismid ang babae. Gumalaw papalayo at tumingin kay Manong ng tila ba may pandidiri at pangungutya. Hindi naman marumi si Manong. Hindi rin mabaho. Ang kuya sa aking tabi, kumuha ng barya sa kanyang bag. Dalawang 25 centavos. Ang isa pang matandang babae sa jeep, binasa ang nasa envelope at kumuha ng dalawang pisong barya sa kanyang bag. Sinabi ng ale, "Basilan, ang layo naman! Pumunta kayo sa presidente, sya ang dapat tumulong sa iyo." Napailing na lamang ako. Naisip ko, iniisip ba ng mga tao sa Pilipinas na responsibilidad ng presidente na buhayin tayo? Responsibilidad ba nya na may kainin tayo sa hapag kainan? Sa totoo lang, hindi ko alam kung hanggang saan ba ang "extent" ng trabaho ng presidente pero sa aking palagay, responsibilidad natin ang ating mga sarili. Hindi natin dapat iasa sa pangulo ang indibidwal nating pangangailangan at suliranin. Kailangan nating magtrabaho para sa ating sarili. Kung iisipin, responsibilidad nga natin na tulungan ang pangulo na mas maging maayos ang bansa. Kulang ba tayo sa edukasyon? Tamang-tama, anibersaryo pa naman ng EDSA revolution. Ano na nga ba ang nangyari? Masyado nga bang nabigyan ng kalayaan ang mga Pilipino ngunit kulang naman tayo sa disiplina? Matapos ang dalawpu't limang taon, nasaan na nga ba tayo? Mabilis nga ba tayong makalimot o hindi nga ba talaga tayo natututo? Hindi ko alam. Hindi pa naman ako ipinapanganak ng panahong iyon. Sabi nila pahirap ng pahirap ang buhay. Pero dati rati daw, tayo pa ang inuutangan ng ibang bansa. Siguro nga marami talagang napagdaaanan ang Pilipinas. Nabanggit pa nga tayo ni Lee Kwan Yew sa librong From Third World to First. Madalas, iniisip ko na gusto ko ng umalis ng Pilipinas. Gusto ko ng kumita ng mas malaki kahit kung iisipin ay "not bad" naman ang kinikita ko. Kaya nga ako umuwi ng maaga eh. Kasi dapat bago mag-alas dos ng hapon ay nasa bahay na ko. May hinihintay kasi akong tawag na kung magiging maayos ay maaaring maging isang pagkakataon para sa akin. Bagamat sa aking palagay ay malabong makuha ko ang "pagbabagong" ito, hindi pa rin ako susuko. Marami pa namang pagkakataon. Sabi nga "charge it to experience." Sa totoo lang, napakaraming gumugulo sa isip ko, pera issues(syempre magpapagawa kasi ako ng bahay), personal na issues at kung anu-ano pa. Parang ang blog na ito, nakakahilo. Parang walang isang ideya. Masakit sa ulo.

Sunday, February 13, 2011

The Place To Be

Mr. Kebab(West Ave.), ang favorite ng NSP batch namin na place to eat. hehe. :)

Monday, February 7, 2011

Commercial

Cute cute ni Gav! Parang yung mga babies sa commercials.