Monday, December 15, 2008

Nangangamoy Pasko

Favorite holiday ko ang Pasko bukod sa mahabang ang bakasyon meron akong excuse na magshopping. Hehe. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko ung nagbibigay ng regalo sa mga tao. Kung marami lang akong pera, nakapagbigay na ako ng bonggang bongga! Pero limited lang ang resources ko kaya sorry mga friends, cheapangga lang ang gift ko. It's the thought that counts naman eh. Hehe. Pero mas gusto ko yung mga taong may wishlist para hindi na ko mag-iisip kung anong gusto nila. Haha!

Sunday, December 7, 2008

Huling Patak

Nang makita kitang nakatayo, kung paano mo ako tingnan ng ako'y papalapit sa iyo, nakita ko rin kung gaano na kalamig ang iyong tingin, ang kawalan ng emosyon, walang pagmamahal. Tama nga sigurong itigil na ang kung ano mang namamagitan pa saatin. Nasasaktan lang ako. Siguro ikaw rin, hindi ko alam. Nahihirapan lang ako. Nahihirapan ka rin. Naiinis ka lang. Nalulungkot lang ako.
Ang 5 minutong nagkasama tayo ang pinakamasakit na 5 minuto ng buhay ko.
Nang inaabot ko ang lahat ng bagay na dapat naman ay talagang sa iyo. Hindi lang dumating ang araw na magkasama pa tayo kung kelan dapat ibibigay ko iyon sa'yo. Nang binili/ginawa ko naman yung mga yun, hindi ko inakalang matatapos ang lahat sa atin. Sabi ko nga sa'yo, nabigla ako. Siguro kaya rin tumagal ng ganito bago ako tuluyang nakapagdesisyon na tanggapin na ang lahat. Siguro nga, nang araw pa lang ng tanungin mo ako kung masaya pa ba ako, wala ka na talaga sa akin. Itinatanggi ko lang sa sarili ko dahil hindi ko naramdamang darating ang araw na yun, na aalis ka. Pasensya, hindi pa kita pwedeng maging kaibigan sa ngayon, civil siguro. Magiging mahirap kasi para sa akin na makapagmove on kung maging magkaibigan tayo kaagad. Isa pa, hindi rin naman magkukrus ang ating landas. Siguro, kapag okay na ko, pwede tayong maging magkaibigan kagaya ng dati. Hindi ko alam. Sa ngayon, gusto ko lang munang maghilom ang napakalalim na sugat na naidulot ng mga nangyari. Habang nakaupo ako sa sasakyan, palayo sa'yo sana'y yun na ang huling pagpatak ng luha ng sakit na dulot ng mga nangyari. Pagod na pagod na rin ako. Gusto ko lang na matahimik na ang aking isipan. Gusto ko ng makatulog muli ng mahimbing. Ayoko ng matakot umuwe ng maaga dahil alam ko lalamunin lang ako ng kalungkutan ng pag-iisa. Unti-unti, bawat araw, mababawasan din siguro ung sakit hanggang sa tuluyang mawala.

Wednesday, December 3, 2008

Better in Time

Sabi nga sa kanta, it will all get better in time.
I'll believe that.

At eto lang masasabi ko, sabi nga ni nina,
Someday, someone's gonna love me.

Pero sa ngayon, gusto ko munang
magstart ng bagong buhay.

Let It Bleed

If you're wounded, let it bleed.

Inconsistencies

What sucks about changing from one status to another is the irregularity
Irregularity of what? Irregularity of your feelings on a day to day basis.
One day you're totally okay as if the person you used to be with
has never been a part of your life. It's like nothing painful happened to you.
Then there is that one day that you're terribly missing the person whom
you used to spend a lot of your time talking to. There's this feeling that
something is missing and that there's nothing to look forward to after
a long day at work or in school.

Weird isn't it?
Maybe that's how feelings are...


INCONSISTENT.