1. Work -maraming work ngayon at medyo may responsibilidad talaga ako sa team. Madalas na meeting at overtime eh. Masaya ako kasi maraming ginagawa sa work at marami akong natututunan. May nagtext sa akin na company na asking if interested ako mag-apply. Sa aking pag-iisip, datapwat mas luntian ang damo dun (as if naman matatanggap) ay hindi pa ako handadng umalis sa aking comfort zone. Makapaghihintay yun. Hindi pa tama ang panahon. At sa palagay ko kasi, sayang naman ang opportunity kong matuto sa project ngayon. Magandang experience din kasi. :)
2. Social life - last week ay nagcelebrate ako ng aking 23rd birthday. At kinabog ko pa si kuya germs sa weeklong kong celebration. Therefore malaki rin ang aking gastos. Hahaha. Makapagbawas na nga ng kaibigan. Hehehe. Biro lang. Every night nga may party ako tapos meron pa sa office. Bukod sa aking birthday, sunud-sunod rin ang pag-attend ko ng wedding, birthday at fiesta! Nagpunta kami nina Mac, Glace, Karen at Kulaz sa Pahiyas! At ayun, namaga ang aming mga tiyan. Hahaha! Sikip na nga ngayon ang aking skirt. Huhu. Nung Wednesday naman nanood kami ng Angels and Demons (with Housemates + Karen). In fairness, maganda ang movie. Tapos kahapon nagdinner ako with Super friends. Huwow! Sarap ng bonding. Medyo late na nga lang nakauwi. Today naman, maaga akong pumasok kasi kelangan kong umuwi kaagad para makaabot sa debut ng pinsan ko sa Los Banos.
3. Health and wellness - pinipilit ko na nga lang masingit sa schedule ko ang aking gym kasi sayang naman ang ibinayad ko at saka mukhang kelangan ko na talaga dahil sa aking namamagang tiyan. Hehehe.
4. Family - well, sinamahan ko ang parents ko sa kanilang interview for US Visa. At sa awa naman ng Diyos, approved sila. :) Kung matutuloy sila sa December,magiging ala macaulay caulkin ako sa Pasko, Home Alone. Initreat ko rin ang family ko sa Kamayan nung weekend with Mac(na sumama sa aking pag-uwi ng Quezon), Karen at Kulaz.
Narealize ko, sa sobrang occupied ko, wala na akong time para mag-isip ng kung anu-ano which is good. :) Kapag nakakuha nga ako ng konting spare time, sinasamantala ko at natutulog ako. Hehe. Kasi naman 4-5 hours lang tulog ko everyday. Swerte na ko kapag naka 6 hours ako. Sa weekend, susubukan kong makabawi! Kasi umaatikabong bakbakan na naman sa trabaho pagbalik. Hehehe. Eto ang ilan sa mga pictures ng aking activities:
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)