Nosebleed moment...
The problem with living the dream life is you have to wake up in the morning.
Tuesday, April 20, 2010
Monday, April 12, 2010
Sa Bukid Walang Papel!


Babala: Ito ay isang lame na kwento lang ng weekend ko.
Umuwi ulit ako ng probinsya kahit limang araw na kong nagbakasyon sa amin last week. Bakit? Malungkot na dahilan. Namatay kasi si Tiya Loring at inilibing sya nung Friday. Dapat nga hindi ako uuwi, sasama sana ako sa COSS sa Nagsasa. Pero the unfortunate happened. Ayun, dahil 3 days ulit ako sa Tayabas, medyo ninamnam ko ang probinsya. Nagpicture picture kami ni Kulay sa hayskul life oh my hayskul life namin na nagulat na lang ako, ang daming building na pala ang tumubo dun. Nung Sabado naman napagtripan ko magjogging simula sa bahay papunta ng Sementeryo tapos Simbahan. Ang ganda talaga ng simbahan namin, lalo na sa umaga, kapag papasikat pa lang ang araw. Nagjojogging din yung mga elementary teacher ko. Tapos lumapit sa kin si Piso. Sya yung pulubi na malaking lalaki. Sabi niya, "Pengeng 5 piso." (dati piso lang hinihingi nito eh.) Sabi nina Sir, "Wag na yan, di yan kalaban." Bibigyan ko sana sya kasi may sukli pa naman ako dun sa suman na binibili ko kaya lang ang laki kaya ng katawan nya at di siya disabled. Tapos sabi pa nila mayaman na raw yun at may phone pa. Hanapbuhay na raw yung panlilimos. Sabi ko sa kanya, "Mas may pera ka pa nga sa kin eh. Studyante pa ko ni Sir sa elementary andito ka na. Eh ngayon dalaga na ko, si Sir, retired na." Pagkauwi, nagpicture naman ako ng bundok, feeling turista kasi ako. Hehehe. Tapos kumain kami ni Nanay sa Rodillas tapos may dumating na kandidato, si Nick Abesamis daw at si Allan Cabriga. Syempre, super kamay sila. Ipinamalengke ko rin ang nanay ko para mapasaya ko naman sya. Ipinagpalabtest ko na rin sya ng dugo before mamalengke. Sinigang na sugpo for lunch! Woohoo! Hapon ng Sabado: Nagseminar kami ni Karen sa tcmc. Doon ko narinig ang word na saping puhunan. Hahaha. Nung Linggo naman, natulog lang ako sa umaga tapos nung hapon, isinama ako nila nanay sa outing nila. Ayun, kahit malungkot dahil nawalan kami ng mahal sa buhay, fun na rin dahil nagbonding kami ng mga pinsan ko at nakabonding ko rin family ko. :)
Subscribe to:
Posts (Atom)