Saturday, October 29, 2011

A Recipe for Stress

Ingredients:

1 overly responsible, people-pleaser person
1 clingy boss who's up for promotion
1 a demanding counterpart in the other country
a big bag full of of tight deadlines
a big box of crappy framework
5 pieces of other support work
9 change requests
1 expenses for house construction



Step 1. Mix all the ingredients.
Step 2. Place under a lot of pressure.
Let it set for as long as you want.

Result: 1 very stressed me.

Monday, October 24, 2011

Tipid. Tipid. Tipid.

Dahil sa nagpapagawa ng bahay sa Tayabas, super nagtitipid ako. Haha. Ang tao talaga, nag-aadjust sa kung ano lang ang ang meron. 3/4 ng sweldo ko, napupunta sa pagpapagawa ng bahay. Yung natitirang 1/4, un ang panggastos ko. Kasama na dun ang rent at pambayad ng utilities. Sa awa naman ng Diyos, mukhang kakasya naman. Sa ngayon, nasa budget pa naman ako. Mukhang kakayanin hanggang sa pagdating ng sunod na sweldo. Hehe. Totoo nga ang kasabihan, habang maiksi ang kumot, magtiis mamaluktot. Kaya lang malapit ng magwinter!!!! Hahaha! Dapat makapal ung kumot. :P

Saturday, October 22, 2011

Backpack! Backpack!

Nung huling gumala ako sa Huangshan at Nanjing, narealize ko na marami na palang narating ang aking backpack. Nakarating na 'to kung saan-saang bundok, ng kung saang dagat, ng kung saang saang probinsya, ilan dyan ang Davao, Bohol, Galera, Laguna, Batangas, Rizal, Baguio, at maging ibang bansa tulad ng Japan at ngayon nga ng China(kung saan-saan ng probinsya sa China). Di pa kasama dun ang mga napuntahan nito nung na kay Kuya pa ang bag na 'to. Sa naaalala ko, dinala nya 'to nung nagpunta sya ng London. Siguro malapit ng magsampung taon sa ang bag na 'to. Bakit nga ba gustong gusto ko ang bag na 'to kahit marami pa naman akong ibang backpack? Dahil para sa akin, bagay na bagay syang dalhin sa mga trip. Bukod sa maraming pwede ilagay ay hindi pa to madumihin. Dahil kasya sa side pocket nito ang sapatos ko. Dahil kahit may laptop ng laman, kasya pa rin ang mga damit at gamit ko. Siguro nga dahil sa tagal na rin ng panahon, may sentimental value na.

Kuya: "Anong bag ang gagamitin mo na hand carry papuntang Shanghai?"
Me: "Yung reebok na red and blue."
Kuya: "Buhay pa pala yun!?!"

Saturday, October 15, 2011

Mohon.

Sabi daw ng Nanay ko, may Mohon na yung ipinapagawang bahay sa Tayabas. Ako naman, parang ano ang mohon???? Mohawk alam ko. Haha. Para daw mas lumakas pa ang loob ko, inisend ng ate ko ang picture ng aking pinaghihirapan. :) Kahit hukay pa lang 'to, masaya na ko dahil nasimulan na ang pagpapagawa ng munting tahanang ito. :) Literal na munti kasi 108sqm lang ang lot area at around 70sqm ang floor area. hehe. Dahil di pa kaya ng budget ko ang may loft, may abang na lang muna. :D